Tumugon ang Philippine Sports Commission (PSC) sa panawagan ni Sen. Bong Go na ibigay ang allowance ng mga national athletes.
Ang tawag-pansin ng senador sa ahensiya ay bunsod ng ilang natanggap na hinaing ng mga atleta sa gitna ng krisis ng COVID-19 pandemic.
Nakarating naman sa PSC ang call-up ni Sen. Go na siyang head ng Senate Committee on Sports. Anila, titiyakin nila na maibigay agad ang allowances ng mga atleta’t coaches na na-delayed.
“The PSC Board thanks Senator Bong Go for once again showing his sincere concern for sports and the Filipino athlete. We appreciate the support and guidance you have been giving the sports community.”
“The delay in the release of allowances was caused by the overhaul of our payroll administration system. It affected all employees and members of the national team.”
Sinabi naman ni Commissioner Ramon Fernandez na maaari nang umaanong matanggap ang allowance bukas. Aniya, inalalayan sila ng Landbank para malutas ang suliranin.
Dagdag pa ni Fernandez, may ilang staff kasi ng Landbank ang nagpositive sa COVID-19. Kaya, nagkaroon ng aberya sa proseso ng mga allowance.
“Third week of July, inaayos na ‘yan. Had to redo payroll computations and coordination with Landbank on payroll system but all of a sudden, nag-lockdown sila for two weeks at may nag-positive na employee nila,” ani Fernandez.
Ang sports agency ay pinamumunuan ni Chairman William Ramirez, kabilang sina commissioners Ramon Fernandez, Charles Raymond Maxey, Arnold Agustin at Celia Kiram
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2