Ikinalungkot ng Philippine Sports Commission (PSC) ang nangyaring shooting sa Mindanao State University (MSU). Nangyari ito habang idinaraos ang Bangsamoto Youth Sports event sa MSU grandstand sa Marawi noong nakaraang linggo.
Batay sa imbestigasyon ng Lanao de Sur Police, hinabol aniya ng 3 armadong lalaki ang MSU student na si Aripodin Mamacuna. Naganap anila ito sa loob ng paaralan. Nakorner ito ng mga kalalakihan at binugbog. Sumaklolo naman sa insidente ang isang off-duty police. Na naging sanhi ng barilan.
Ngunit nasukol siya ng mga kalalakihan at binugbog habang sumaklolo naman ang isang off-duty policeman na nagresulta sa barilan.
Ayon sa sport agency, ayaw na nilang maulit ang ganoong insidente. Kaya, nakipag-ugnayan si PSC chairman Butch Ramirez sa sports coordinators sa Marawi. Sa gayun ay malaman ang pangyayari at kung anong hakbang ang dapat gawin.
“The shooting incident was sad and tragic. It is something that we at the PSC condemn in the strongest possible terms,”ayon sa PSC.
“Sports events should be a gathering of sportsmen whose love for equality and peace are fostered through physical exercise and movement.”
Ikinasa rin ni chairman Ramirez ang ‘ Sports for Peace’ sa buong bansa. At lalo pa itong pinaigting sa ngayon sa Marawi.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo