December 24, 2024

PSC, NAGLABAS NG MAHIGIT P200-MILYONG PONDO PARA SUPORTAHAN ANG PH ATHLETES

Puspusan ang suporta ng PSC ( Philippine Sports Commission) sa SEA Games bound athletes. Katunayan, naglabas ng mahigit sa P200 million fund ang ahensiya. Mas hihigit pa aniya ang pondo na maaaring umabot sa P230-million.

Gagamitin ang pondong ito sa gugulin ng 987-strong delegation. Kung saan kabilang ang 646 atleta ay lumipad na sa Hanoi. Inaasahang susundan ito ng mas malaki pang bilang sa susunod na linggo para sa opening ng torneo sa Mayo 12.

Kaugnay dito, nangako naman ang Filipino community sa Vietnam na susuportahan nila ang ating mga atleta. Ayon kay Philippine Ambassador to Vietnam Meynardo Montealegre, panonoorin nila ang mga atletang Pinoy sa oras na sumalang na ito sa torneo.