January 18, 2025

PSC Chairman Bachmann optimistiko sa BP-PNG

Optimistiko si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann na mas maraming kabataang atleta ang madidiskubre at makikitaan ng husay ng mga National Sports Associations (NSAs) na posible nitong maibilang sa national developmental pool para sa malalaking torneo sa loob at labas ng bansa na sasalihan ng Pilipinas.

Dinaluhan ni Bachmann ang pagbubukas ng mga laro sa lawn tennis Linggo ng umaga sa Rizal Memorial Tennis Court bago nilibot ang iba pang pasilidad na nasa loob ng makasaysayang unang sports complex sa bansa na pagsasagawaan ng mga kasaling sports sa Batang Pinoy at Philippine National Games (BP_PNG).

“I am hoping that marami sa mga kasaling batang atleta natin ang mapipili at madiskubre ng mga NSAs natin. Natutuwa ako na makita ang maraming kabataang atleta natin na naglalaro dito sa ating mga pasilidad,” sabi ni Bachmann, matapos na maglibot sa paggagawaan ng sport tulad ng weightlifting, swimming, badminton at 3×3 basketball na gaganapin sa Ninoy Aquino Stadium.