May 19, 2024

ALDEN RICHARDS, EXCITED SA MOVIE NA PAGSASAMAHAN NILA NI ANNE CURTIS

MAGSASAMA sa isang movie project sina Alden Richards at Anne Curtis, bali collab ito ng Viva Films at ng GMA Pictures. Excited na ang mga fans ng Anne-Alden, masaya sila dahil next year ay may mapapanood silang movie ng kanilang idolo.

“Next year magiging busy na si Alden Richards, sa movie na gagawin nila ni Anne Curtis under Viva Films at GMA Pictures ang movie.

“Si Irene Villamor pa rin ang director ng pelikulang gagawin nina Anne at Alden, pero sa ngayon ay wala pang title ang pelikulang gagawin nila.

“December 30, ang flight ng buong pamilya ni Alden Richards for two weeks US vacation. Sa kanyang pagbabalik, aasikasuhin naman niya ang taping ng ‘Pulang Araw’ para sa GMA-7,” kwento pa ng aking source.