May go signal na ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga national athletes. Inaprubahan ng PSC Executive Board ang opening ng mga facilities nito. Kaya, pwede silang magtraining para sa mga sasabakang torneo.
Kabilang sa pinaghahandaan ng mga atleta ay ang 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 2022. Pati na rin ang Asian Games sa China sa Setyembre 2022
Bukod kay PSC komisyuner Butch Ramirez, ok rin sa 4 na commissioner ang nasabing training. Gayunman, pipiliin lang muna atleta na magsasanay. Na sila ay magsasanay matapos ang Enero 10, 2022 sa Rizal Memorial Sports Complex (Manila).
Gayundin sa PhilSports Complex( Pasig) at Baguio Training Camp. Nilatag din ng ahensiya ang isang Technical Working Group. Na magsasagawa rin ng kanilang preparasyon.Kabilang na rito ang pagpapa-finalize sa mga sports na maaaring makagamit sa pasilidad.
Para naman sa Philippine Olympic Committee (POC), ikakasa ng ahensiya ang full blast training. Ikakasa ito sa Enero kung bababa ang kaso ng COVID-19. Ayon kay POC Chairman Bambol Tolentino, ilalatag ang training ng mga atleta sa SEAG sa Enero. Hindi na ito gagawin via bubble.
“We prefer not to have a bubble-type training anymore. If we are going to train our athletes for the SEA Games, we should go full blast,’’ saad Tolentino, matapos ang POC General Assemblsa Grandmaster Hotel sa Tagaytay City.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!