NAGSIMULA na ang pamahalaan ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Philippine Ports Authority (PPA), sa pagproseso ng bidding para sa pagpapatayo ng isang dedikadong daungan na mag-a-accommodate ng malalaking cruise ship sa bayan ng Puerto Galera sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Isang badyet na humigit-kumulang PHP706 milyon (US$12.1 milyon) ang naaprubahan para sa konstruksyon ng daungan, na ayon sa PPA ay hindi dapat tumagal ng higit sa 780 araw.
Pinayuhan din ng PPA ang mga bidders na dapat na mayroong nakaraang karanasan sa pagpapatayo ng katulad na daungan.
Nagsagawa ang Bids and Awards Committee ng PPA ng isang pre-bid conference noong Enero 10, 2025, sa PPA head office sa South Harbor, Maynila. Ang huling araw para sa pagsumite ng mga tender ay nakatakda sa February 5, 2025, sa oras na alas-1:00 ng hapon.
Nagsimula nang mag-operate ang PPA ng isang dedikadong daungan para sa mga cruise ship sa Siargao sa lalawigan ng Surigao del Norte. Ang iba pang mga daungan ng mga barkong pang-cruise ay kasalukuyang ginagawa na sa mga lalawigan ng Aklan, Camiguin, at Palawan.
More Stories
VIETNAMESE NA NAGPAPANGGAP NA BEAUTY DOCTOR KALABOSO
Nilinaw ng DOF ang pagtukoy sa bahagi ng National Tax Allotment para sa LGUs
REMMITANCE NG PDIC SA GOBYERNO SUMUSUPORTA SA NATIONAL DEVELOPMENT