November 23, 2024

‘Project Alis Lungkot’, binuksan ng Ospital ng Sampaloc

Kuha mula sa Manila PIO

BINUKSAN ngayon  sa Ospital ng Sampaloc o OSSAM, ang “Project Alis Lungkot” para sa mga pasyente nasa isolation upang makasagap ng libreng internet access.

Layon ng proyekto na matanggal ang pagkabagot ng mga pasyente at para makausap ang kanilang mga pamilya habang nasa ospital.

Umaasa si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na sa pamamagitan nang pagkakataon ng internet access ay mababawasan ang stress na nararanasan ng  mga pasyente habang sila ay  nagpapagaling sa sakit na COVID-19 at sa iba pang mga karamdaman.

Nabatid na ang maayos na internet access ay makatutulong din sa mga hospital workers na mas episyenteng makapaghatid ng serbisyo.

Pinuri ni Moreno si  Dr  Aileen Lacsamana, director ng ospital, ang OSSAM Public Information Office at ang kanilang Information and Communication Technology (ICT) division dahil sa nabanggit na inisyatiba.