November 5, 2024

PROGRAMANG PANGKABUHAYAN PARA SA MGA TAGA-CALOOCAN, NAGPAPATULOY

CALOOCAN CITY – Tuloy-tuloy ang pagpapakaloob ni Konsehal PJ Malonzo na mga programang pangkabuhayan upang matulungang maging kapaki-pakinabang na mamamayan ang mga residente ng Sapang Alat Pangarap sa Barangay 181 sa naturang lungsod.

Ngayong araw, ay isinagawa ang “Programang Pangkabuhayan para sa Mamamayan” ni Malonzo sa pakikipagtulungan ni Congressman Egay Erice at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ilang residente ang sumailalim sa pagsasanay para sa paggawa ng dishwashing liquid.

Ayon sa konsehal, malaking tulong ang naturang proyekto sa mga residente ng Caloocan upang bigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng dagdag na hanapbuhay para sa kanilang pamilya lalo na’t nasa gitna tayo ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Buo ang suporta ng “Team Bughaw” sa mga adhikain upang higit pang mapaunlad ang kalagayan ng ating mga kababayan ang naging mensahe ni Erice. Naniniwala siya sa kakayahan ni Konsehal Malonzo sapagkat mahusay ang naging track record nito sa paglilingkod sa bayan.