Simimulan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang youth development program nito na naglalayong matulungan sa pag-aaral ang mga kabataan at mas lalong mapabuti ang kanilang kinabukasan.
Ayon kay SMC president Ramon S. Ang, ang SMC Educational Assistance Program ay kasalukuyang tumutulong sa 292 na elementary, junior high, senior high at college students sa mga host communities nito sa Bulacan, Quezon Province, Batangas, at General Santos City.
“Sustainability is a big part of not just our new projects, but all of San Miguel’s operations. For our communities, it is even more critical, that is why in the last couple of years, we have been very proactive in instituting social and environmental initiatives in our future project sites, long before any construction is done. These programs are part of our holistic approach to improving the lives of those who will be our future host communities and partners,” wika ni Ang.
Sinimulan ng SMC ang program sa gitna na pandemya sa Sariaya, Quezon, kung saan nagtayo ang kumpanya ng isang model sustainable housing relocation village na mayroong disaster-resilient homes, recreation at learning facilities, complementary fishermen’s dock, multi-purpose center, at public market na pinapatakbo ng mga mangingisda at magsasaka na naninirahan sa nasabing lugar.
Tinutulungan ng programang ito ang 43 na kabataan ng mga pamilya sa Sariaya na binigyan rin ng training ng SMC sa entrepreneurial at iba pang kasanayan sa pakikipagtulungan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Sinundan nito ng SMC Education Assistance Program para sa 81 beneficiaries isa Bulakan, Bulacan, kung saan itatayo ang New Manila International Airport (NMIA).
Umaabot naman sa 129 na kabataan mula sa elementary, junior high, senior high, at college ang tinutulungan ng program sa Calatagan, Batangas. Sa General Santos City naman ay 39 na junior, senior high at college students ang kasama sa programa.
“We are well aware of how difficult it is to pursue online learning during the pandemic. Experts point out to learning challenges like the lack of reliable internet connection, inadequate computer knowledge or equipment, loss of interest or motivation, stress, depression, distractions at home, and the lack of support system that is usually present in traditional school environment,” wika ni Ang.
“But with the same determination in providing better and safe homes, livelihood and skills training, and additional sources of income to our beneficiaries, our social development teams are using their experience of working with people from many of our communities nationwide, to help parents and their children cope with the challenges they face. Hopefully, we can prepare them for a better future, and to take advantage of future opportunities at our developments,” dagdag pa niya.
Ang agro-industrial complex ng SMC sa Sariaya ay mayroong brewery, grains terminal, feedmill, ready-to-eat food manufacturing plant, high-tech poultry facility, a fuel tank farm, at port facilities.
Mga lider sa hinaharap
Kasama sa educational assistance ng SMC ang monthly allowance para sa internet access at values formation seminars para mahubog ang mga kabataan bilang mga lider ng komunidad.
Kasama sa mga responsibilidad ng educational assistance beneficiaries include regular submission ng academic performance, pagsali sa iba’t ibang programa ng kumpanya sa greening, at pagtutor sa kapwa residente sa ilalim ng ALS o alternative learning system.
Labingdalawa (12) sa 43 nabeneficiaries sa Sariaya ang kasalukuyang kumukuha ng mga kurso tulad ng criminology, electrical engineering, information technology, business administration, education, accountancy, hospitality management at civil engineering sa iba’t ibang kolehiyo at pamantasan sa Lalawigan ng Quezon.
Sa kabila ng mga hamon pagaaral dahil na rin sa online learning at kahirapan sa buhay at matataas pa rin ang mga grades ng mga bata ayon kay Ang.
“Noong una ay nahihirapan kami dahil hindi pa sanay sa sistema dahil hindi stable ang internet connection pero kalaunan ay nasanay din at patuloy na kinakaya. Ang challenge na kinakaharap ko ay sometimes ay internet connection kasi humihina at stress sa mga gawain sa school at sa thesis,” wika ni Michelle Morong, third year BS Education student sa Southern Luzon State University (SLSU).
“Kinakaya at kakayanin pa. Nung una talagang mahirap ang online class since wala akong sariling cellphone kaya nanghihiram lang ako sa kapatid ko o di kaya sa pinsan ko. Pangalawa, hindi stable yung signal kasi wala akong sariling wifi kaya medyo magastos rin sa load ang online class,”ayon naman kay Criselda Contreras, BS Entrepreneurship student sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena (DLL).
Nagpasalamat ang mga estudyante sa pagtulong ng SMC sa kanilang pamilya at umaasa na magkakaroon sila ng hanapbuhay sa mga itatayong pasilidad ng SMC, magkaroon ng sariling negosyo o magtrabaho sa gobyerno.
“Nagpapasalamat po ako sa assistance ng San Miguel. Dahil dito mas maaabot ko yung opportunities na available at kung ano man, ay pangarap ko rin magkaroon ng sariling business,” ani Arabella Manalo, second-year business administration student sa SLSU.
Ayon naman kay Angelica Magno, IT student sa College of Sciences Technology and Communication (CSTC): “Malaking bagay po ang education assistance ng SMC. Sana rin po at matulungan rin nila ako na magkaroon ng trabaho at maging successful sa buhay.”
“Ang gusto ko po talaga ay maging ganap na inhinyero at magkaroon ng sariling negosyo na may kinalaman sa school supplies at magpatayo rin ng apartment ng apartment,”wika ni Rezalyn Hernandez, first year electrical engineering student.
“Pagkagraduate ko, magtatrabaho na ako as police officer. pangarap ko ay makapagtapos ang mga kapatid ko at pagaaralin ko sila after ko makagraduate para maging successful lahat kaming magkakapatid,”ani Beverlyn Eborde, criminology student sa Lyceum Philippines University (LPU).
“Simple at stable na trabaho ang gusto ko, yung tipong kaya kong makatulong at maibigay yung mga pangagailangan ng mga magulang ko at buong pamilya ko,” wika niu John John Diaz, na kumukuha ng civil engineering sa SLSU.
“Access to education is a basic right for the youth even with all the limitations brought on by the pandemic. And with an educated and equipped workforce as SMC’s partners in development in these areas, we are well on the way to achieving sustainable development and economic recovery post-pandemic,”wika ni Ang.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA