December 25, 2024

PROCOR CHIEF NANGUNA SA INDIVIDUAL COMMANDER’S EVALUATION RATING

NANGUNA sa Individual Commander’s Evaluation Rating (ICER) si PBGen, R’win Sta Ana Pagkalinawan bilang Regional Director ng Police Regional Office Cordillera (POCOR) para sa buwan ng Oktubre ng kasalukuyang taon.

Lumabalabas sa record ng PNP Directorate for Plans na nakakuha si PB/Gen. Pagkalinawan ng highest rating na 93.08% para sa buwan ng Oktubre. Ito ang overall rating ng Regional Director na nakuha mula sa Unit Performance Evaluation Rating (Uper) na may 60%, Directorial Staff (D-Staff) Aptitude Rating (25%) at Focus Directives (15%).

Ang Uper ay ang total points na nakukuha mula sa rating ng operational at administrative accomplishment ng isang Police Regional Office, D-Staff Rating na mula sa aptitude rating ng Unit Commander na ibinibigay ng PNP Directorial Staff. Sa kabilang banda, ang Focus Directives ay ang compliance rating sa selected focus directives ng PNP.

Sa loob ng sampung buwan nang maupo bilang Regional Director, tinupad ni PBGEN Pagkalinawan ang kanyang pangako at ang natatanging pamumuno upang maging mas ligtas ang pamumuhay, trabaho at negosyo sa Cordillera. Dahil sa pagsisikap ng lahat ng units nito at patuloy na pagsuporta ng community stakeholders, ang PROCOR ay nanatiling nangunguna sa larangan ng pagpapatupad ng batas, pag-iwas sa krimen at kaligtasan ng publiko sa Cordillera.