KUNG gaano kabilis ang pagkalat ng COVID-19 ay gaanoon naman katagal ang sakit sa problema sa sistema sa bilangguan sa Pilipinas – siksikan na ang libo-libong preso sa loob ng piitan na halos hindi na sila makaunat sa pagtulog.
Lumabas sa isang foreign publication noong nakaraang Abril ang mga larawan ng mga preso na walang suot na pang-itaas habang nakahiga sa mga hagdaanan ng kulungan. Sa loob ng piitan ay hindi maiiwasan na labagin ang social distancing protocols ng World Health Organization, na ipinatupad ng gobyerno sa Pilipinas.
Ang Pilipinas ay mayroong halos isang libong national, city, district, provincial at municipal jails at marami sa kanila ang hindi makatugon sa minimum standards na itinakda ng United Nations para sa pagkain at kondisyon ng pamumuhay. Mahigit three-quarters ng bilanggo na may mga kaso na nasa pre-trial stage, ayon sa World Prison Population List of the Institute for Crime and Justice Policy Research sa University of London.
Matagal nang alam ng ating mga opisyal ang problema. Inatasan na rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang Bureau of Corrections at ng Board of Pardons para pabilisin ang pagpapalaya sa mga may sakit at matandang preso. Ipinanukala ng House Committee on Justice ang temporaryong pagpapalaya sa matatandang preso.
Naglabas na rin ng guidelines ang Supreme Court na naglalayong mapaluwag ang mga bilangguan sa panahon ng coronavirus pandemic sa pamaamgitan ng pagpapalaya sa mga preso nakapagbuno na ng minimum period sa kanilang sistensiya, sa pamamagitan ng isasagawang pagdinig gamit ang video conferencing. Mula Marso 17 hanggang Hulyo 3, nasa kabuuang 43,171 bilanggo sa buong bansa ang napaulat na pinalaya – karamihan sa kanila ay galing sa kulungan sa Metro Manila (8,909). Southern Luzon (7,443), Central Luzon (6,203) at sa Central Visayas (4,528).
Ang mataas na korte ay naglabas ng patnubay sa pagpapalaya sa pamamagitan ng pagbawas ng piyansa. Inaprubahan din ng Department of Justice ang mga patakaran upang luwagan ang mga requirement sa parole at executive clemency. Naghain din ang political prisoners ng petisyon para sa kanilang pansamantalang kalayaan sa humanitarian grounds.
Ang problema ng ating siksikan na mga kulungan ay dapat matugunan sa pamamagitan ng pagtatatag ng maraming detention facilities at pabilisin ang pagpoproseso sa police at justice system. Iyon ang magiging pangunahin at pangmatagalan na solusyon sa problemang ito.
Gayunpaman, nagagalak tayo sa ilang hakbang na isinasagawa upang lumuwag ang ating mga kulungan nang sa ganoon ay masunod ang social distancing na siyang sentro ng pagsisikap ng ating pamahalaan upang humupa ang kaso ng COVID-19, kasama na ang paggamit ng face mask at palaging paghuhugas ng kamay gayundin ang paggamit ng alcohol upang patayin ang virus.
More Stories
Araw ni Rizal, Ginunita
Huling Tula ng Pambansang Bayani
ANG KANLURANG DAGAT NG PILIPINAS