May 18, 2024

OGIE ALCASID NEGATIBO NA SA COVID-19

NAKAHINGA na nang maluwag ang singer-composer na si Ogie Alcasid matapos magnegatibo sa coronavirus makaraang magpositibo sa first rapid test nila sa ASAP.

Paliwanag ni Ogie, ito raw ang dahilan kaya hindi siya masyadong aktibo sa social media nitong mga nagdaang araw dahil sumailalim siya sa isolation.

https://www.facebook.com/OgieAlcasidOfficial/posts/3127729487262798

Dagdag pa ng singer-songwriter, asymptomatic siya at ibinahagi rin niyang sa una at pangalawa niyang test ay nagnegatibo siya at sa pangatlong test lang ito nagpositibo.

Nabatid na sumailalim din si Ogie sa swab test para sa confirmation noong Lunes at lumabas naman ang resulta noong Biyernes na nagnegatibo na nga siya sa COVID-19.