INATASAN na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang mga Regional Directors ng PNP para lansagin at habulin ang mga private armies lalo na sa mga lugar na talamak ang mga pulitikong gumagamit ng mga ganitong private armed groups para sa pananakot at mang-impluwensya lalo na ngayon nalalapit na ang national at local poll elections.
Ayon kay PGen. Eleazar, inutusan na rin niya ang mga police commanders sa buong bansa na dagdagan pa ang kanilang gagawing operasyon sa mga private armed groups lalo na at nalalapit na ang filling of certificate of candidacy na gaganapin ngayon October 2021.
“Habang palapit na ang filing ng certificate of candidacy para sa Halalan 2022, inatasan ko na ang aming mga commanders na lalong paigtingin ang mga operasyon laban sa mga private armed groups na maariing gamitin upang manakot at maghasik ng karahasan lalo na sa mga lalawigan at mga kanayunan,” saad ng opisyal.
Dagdag pa niya na paiigtingin ‘din ng mga otoridad ang kanilang intelligence gathering para labanan ang mga ganitong grupo sa posibleng pagsasagawa ng mga election violence.
Sinisiguro din aniya ng PNP sa publiko na hindi nila pahihintulutan ang mga ito na magsagawa ng mga pananakot at pandaraya sa election sa simula pa lamang ng filling ng certificate of candidacy, campaign period hanggang sa pagdating ng botohan at meron nang maideklarang mga mananalong kandidato.
“Hindi papayagan ng inyong PNP na manaig ang pananakot, pandaraya at karahasan sa darating na halalan dahil hindi lamang ang kalayaan ng ating mga kababayan na malayang pumili ng kanilang mga lider kundi pati na rin ang kapakanan ng ating bansa,” ayon pa kay Eleazar.
Base sa kanilang datos meron na umanong kabuuang 65 miyembro ng mga private armed groups ang kanilang na neutralized na kung saan ay walo dito ang inaresto, isa ang napatay at 56 ang mga kusang sumuko sa mga otoridad.
Nakasamsam din ang PNP ng 73 mga iba’t ibang klase ng mga baril sa isinagawang labing tatlong operasyon simula Enero hanggang Agosto ngayon taon. (KOI HIPOLITO)
More Stories
MOVIE, TV ICON GLORIA ROMERO, PUMANAW NA
3 sangkot sa droga, kulong sa P183K shabu sa Caloocan
Lalaking nanutok ng baril dahil sa utang, swak sa selda