May 19, 2024

JOY REYES, NALOKA SA PAGKAKADAWIT SA KANYA BILANG THIRD PARTY SA PAOLO-LJ BREAK-UP

Pumalag at naloka si Joy Reyes sa isyu na siya di umano ang third party sa hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes. Hindi maiiwasang paratangan ng mga netizens si Joy dahil sa lumabas na blind item.


Na siya raw ang binibisita ni Paolo sa bahay nito at nag-i-stay overnight. Na ito raw ang saviour nito sa kuryente bill issue.

May nabanggit ang dating live-in partner ni Joy na si Jomari Yllana na may male celebrity na pumupunta sa haybol ng ex-partner niya. Pero, di niya sinabi ang name.


“That’s ridiculous. I don’t know them personally,” aniya patungkol sa couple.


Ipinagtanggol naman ng kaibigan niya si Joy na kilala bilang si Billy Gata. Hindi nga raw magkakilala ang bestfriend niya ng personal at si Paolo. Kaya, huwag basta-basta idamay sa isang sensitibong issue. Lao na’t walang kamuwang-muwang ang kaibigan niya rito.