Magandang araw sa inyo mga Cabalen. Sana’y nasa mabuti kayong kalagayan.
Nakababahala mga Cabalen ang mataas na presyo ng mg bilihin. Ultimo presyo ng gulay na afford bilhin, e masyadong tumaas.
Bukod dito, tumaas din ang presyo ng karne, lalo na ng baboy. Gayundin ang isda. Kaya ang hinaing ni Juan De la Cruz, papaano pagkakasyahin ang budget?
Iilan na lamang ang mabibili sa P500.00? Ika nga ng mga raliyista, kasya ba ng P537 na minimum wage kada araw ng isang obrero?
Kaya, hirit nila, taasan ang suweldo, ibaba ang presyo ng mga bilihin.
Sa ganang atin, may pick o panahon na nagtataasan ng presyo ang mga bilihin. Lalo na kapag huling peryodo ng taon. Gayundin ng pagsisimula ng unang peryodo ng kasunod na taon.
May salik na nakaapekto rito. Kabilang ang bagyo at baha. Kung saan, nasalanta ang mga pananim. Mataas na presyo ng krudo’t gasoline.
Mataas na demand, gugol sa pang-angkat ng mga produkto at kakulangan sa suplay. Kaya, nagugulat tayo sa presyo.
Bukod dito, nakalululua rin ang patong ng mga namumuhunan. Na tila sinasamantala ang sitwasyon. Aba’y huwag naman pong ganun!
Dahil dito, nagsalang ng price freeze ang Department of Agriculture sa presyo ng karne ng baboy.
Nirekomenda ito ng DA kay Pangulong Duterte, lalo na‘t sumirit ang presyo dahil sa African swine fever (ASF).
Ika nga ni DA Spokesperson at Assistant Secretary Noel Reyes, iaapela ni Secretary William Dar sa Pangulo ang pagpapatupad ng mula P270 hanggang P300 na price freeze.
Umabot na kasi ang kilo ng baboy sa P400 hanggang P420. Biro mo, sa karne pa lang na ‘yan, lagas na ang budget. ‘E ang mga bibilhing pang mga rekado kung halimbawang sinigang ang uulamin mo?
Sana raw ay suportahan ito ng mga stakeholders. Batid nating mura ang bigay nila sa mga namumuhunan o bumibili ng produkto.
Ngunit, ipinagbibili ng mahal. Sana, huwag lang presyo ng karner ang bantayan. Kundi ng presyo ng gulay at isda.
Bantayan ng kinauukulan ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado. Sa gayun ay maiwasan ang pananamantala.
Sa gayun ay hindi masyadong mabutas ang bulsa ni Juan.
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA