Muling nagpatupad ang mga lokal na kompanya ng langis ng dagdag presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) nitong Disyembre 1.
Sa magkahiwalay na anunsiyo ng Petron at Phoenix LPG Philippines, nagtaas ang presyo ng LPG ng P2.25 kada kilo, habang P2.27 naman kada kilo ng LPG sa Solane.
Samantala, papatungan din ng Petron ng P1.26 ang presyo ng kanilang AutoLPG na karaniwang ginagamit sa taxi, habang P1.25 per litro naman sa Phoenix LPG Philippines.
Nitong nakaraang buwan, nagtaas ang mga kompanya ng P3.50 hanggang P3.55 per kilo sa presyo ng LPG at P1.95 hanggang P1.96 per litro sa AutoLPG. Ang bagong price increase ay bunga ng pagtaas ng contract price ng LPG sa pandaigdigang merkado.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!