DALAWA pa sa opisyal ng Gabinete ng administrasyong Marcos ang nagbitiw sa puwesto, ayon sa Malacañang.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na bumaba na sa puwesto sina Press Secretary Trixie Cruz-Angeles at Commission on Audit (COA) Chairman Jose Calida.
“I tendered my resignation this morning, effective end of business hours today. Due to health reasons. It was a pleasure working with you,” ayon kay Cruz-Angeles.
Matatandaan na kabilang si Cruz-Angeles at Calida sa mga cabinet members na hindi nakalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).
Hindi rin kabilang ang dalawa sa mga nanumpa para sa reappointment na ibinigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi naman ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra, na hindi pa nakapadedesisyon ang Pangulo kung sino ang papalit kay Cruz-Angeles.
“We’re still in the process of helping the Office address the resignation,” saad ni Guevarra sa hiwalay na interview.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna