
KUALA LUMPUR — Dumating na sa Malaysia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Linggo upang dumalo sa 46th ASEAN Summit at iba pang kaugnay na pagpupulong.
Ang eroplano na sakay ang Pangulo at ang kanyang delegation ay lumapag ng 5:41 ng hapon sa Bunga Raya VIP Complex sa Kuala Lumpur International Airport.
Habang wala ang Pangulo sa bansa, ang mga pansamantalang tagapag-alaga ng pamahalaan ay sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III.
Kasama ni Pangulong Marcos ang First Lady na si Louise “Liza” Araneta-Marcos, Presidential Communications Secretary Jay Ruiz, Trade and Industry Secretary Christina Aldeguer-Roque, at ang pinuno ng Mindanao Development Authority na si Tereso Magno.
Sa nasabing summit, inaasahang itataguyod ng Pangulo ang adbokasiya ng Pilipinas para sa soberanya sa gitna ng lumalalang tensiyon sa pandaigdigang politika. Bukod dito, tututukan din niya ang pangangailangan ng etikal at responsableng paggamit ng artificial intelligence (AI), at ang posisyon ng bansa hinggil sa mga taripa ng Estados Unidos.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mayroong 22 dokumentong inaasahang mapapagtibay sa summit, kabilang na ang Kuala Lumpur Declaration on ASEAN Vision 2045, mga joint statements mula sa 2nd ASEAN-Gulf Cooperation Council (GCC), at ASEAN-GCC-China Summits.
Magkakaroon din si Pangulong Marcos ng iba’t ibang bilateral meetings at dadalo sa siyam na leaders’ engagements kasama ang ASEAN Business Advisory Council, mga kinatawan ng kabataan, at mga parlyamentaryo.
Bukod dito, siya rin ang magcha-chair ng 16th Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) Summit. Kasama rin sa kanyang mga dadaluhang pagpupulong ang 2nd ASEAN-GCC Summit at ASEAN-GCC-China Summit. Ang paglahok ng Pilipinas sa mga pagpupulong na ito ay mahalaga upang masiguro ang pambansang interes at mapalakas ang mga ugnayan sa rehiyon at sa iba pang kaalyadong bansa.
More Stories
DepEd binawasan ng 57% ang school forms ng mga guro
MRT-7 mula Trinoma hanggang Sacred Heart, target buksan sa 2027 – DOTr
Kiefer Ravena at Diana Mackey, kasal na sa susunod na linggo! Prenup photos, ibinida sa IG