January 22, 2025

POWER FIRMS IIMBESTIGAHAN SA ‘UNFAIR COMPETITION’

NAGSANIB puwersa ang Energy Regulatory Commission (ERC) at Philippine Competition Commission (PCC) para tutukan ang anticompetitive behavior sa power sector.

Sa joint statement noong Huwebes ng gabi, inanunsiyo ng dalawang ahensiya ang paglikha sa joint task force upang bantayan at imbestigahan ang mga alegasyon sa anticompetitive practices sa power sector.

Sinabi ng ERC na alinsunod ito sa nilagdaang Memorandum of Agreement o MoA sa pagitan nila ng PCC noong 2019 bilang tugon sa mga reklamo hinggil sa power outage at pagtataas ng singil sa kuryente.

Ayon kay ERC Chairperson, Atty. Monalisa Dimalanta, layon nito na tiyaking napangangalagaan ang kapakanan at karapatan ng mga konsyumer ng kuryente na napagsasamantalahan dahil sa maling pagpapasya ng mga power distributor.

Dahil dito, sinabi ni Dimalanta na sa rerepasuhin ng PCC ang kasalukuyang galaw ng mga power player bilang bahagi ng kanilang mandato.

Sa kanilang panig, sinabi ni PCC Chairperson Michael Aguinaldo na welcome development para sa kanila ito para sa accountability ng mga market player sa kanilang customer.