December 24, 2024

POSISYON NG ‘PINAS SA ICC PROBE, HINDI MAGBABAGO – SOLGEN

NANINDIGAN ang  Office of the Solicitor General (OSG) na hindi maaapektuhan ng ihip ng pulitika ang legal position ng Pilipinas sa  isyu nang pagtrato ng Administrasyong Marcos sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC)  laban sa nakalipas na gobyerno.

”No, the republic’s legal position has not changed. it is not affected by the winds of politics,” pahayag ni Solicitor General Menardo Guevarra.

Ayon kay SolGen Guevarra, kung may makitang probable cause ay maaaring magpalabas ng warrant ang ICC laban sa sinumang kasalukuyan at dating opisyal.

Ngunit paglilinaw ng SolGen, na ibang usapan na ang pagpapatupad nito sa teritoryo ng Pilipinas na hindi na miyembro ng Rome Statute.

Sa aspeto aniyang ito papasok ang halaga ng kooperasyon ng gobyerno ng Pilipinas sa pagsisiyasat ng ICC.

“The issuance of an arrest warrant by the ICC against any person under investigation depends on the ICC pre-trial chamber’s assessment on the existence of a reasonable ground to believe that the person has committed a crime within the jurisdiction of the ICC.  under the rome statute, the ICC prosecutor has the duty to investigate both incriminating and exonerating evidence equally. in other words, his investigation must be free from bias and prejudice; otherwise, it is insufficient for the issuance of a warrant,” paglilinaw ni SolGen Guevarra.

Una na ring inihayag ng Pangulong Bongbong Marcos na wala siyang intensyong tumulong sa imbestigasyon sa isyu ng drug war ng Administrasyong Duterte at itinuturing niya ang pagsisiyasat na ito bilang banta sa kasarinlan ng bansa

Ang DOJ, makailang ulit na ring nanindigan na umiiral ang sistemang legal sa bansa at may mga korteng humahawak sa mga kasong may kinalaman sa kampanya kontra droga.