IGINIIT ng isang miyembro ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na burahin na ang unprogrammed appropriations sa pambansang pondo dahil nagiging super pork lamang aniya ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Bukod dito, nais din ni House deputy minority leader at ACT party-list Rep. France Castro na mabura ang lahat ng uri ng pork barrel sa pambansang pondo lalo na sa 2025 national budget na nagkakahalaga ng P6.352 trillion.
“We call for the abolition of all forms of pork barrel, including this new modus operandi of unprogrammed appropriations,” ayon sa mambabatas.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil sa 2024 national budget, umabot sa P731.4 billion ang unprogrammed appropriations mula sa P449.5 billion na siyang nakalagay sa NEP o nadagdagan ng halos P200 billion.
Idinagdag aniya sa ‘third congress’ o Bicameral Conference committee ang nasabing pondo sa Unprogrammed Appropriations na isang paglapastangan sa proseso ng pambansang pondo kung saan iilang senador at congressmen lamang ang nag-uusap at hindi buong Kongreso.
“This massive increase gives the President unprecedented discretionary power over public funds, effectively creating a presidential super pork barrel,” dagdag pa ng mambabatas kaya dapat itong burahin.
Ang masaklap aniya dito, naisasakripisyo ng pondo para sa mga tao tulad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na kinuhanan ng P89.9 billion at posibleng kunan din aniya ang ibang Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) tulad ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS).
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA