
Ipinakita na ng Los Angeles Lakers ang pangalawa sa tatlong rebolto ng namayapang si NBA star Kobe Bryant at anak nitong si Gianna.
Ang nasabing rebolto ay kinomisyon bilang pagkilala kay Bryant at ito ay matatagpuan sa Crypto.com Arena.
Makikita sa nasabing rebolto na nakaupo ang dalawa at nakayakap ang isang kamay ni Bryant sa anak.
Magugunitang noong Enero 26, 2020 ay nasawi si Lakers star at anak nito kasama ang pitong iba pa ng bumagsak ang eroplanong sinakyan nila. (RON TOLENTINO)
More Stories
ACT Teachers sa DepEd: Bilisan ang hiring ng 16,000 bagong guro bago magbukas ang klase sa Hunyo 16
Cardinal Tagle itinalaga ni Pope Leo XIV bilang bagong Titular Bishop ng Albano sa Italya
Kung Tunay ang Paghilom, Ibalik si Duterte – Atty. Sap Panelo