December 23, 2024

Pondohan ang mekanismo sa pagsasaka

PAGLINANGIN ANG PAGSASAKA/FB

Tama lamang ang desisyon na isantabi muna ang pag-i-import ng 300,000 metriko tonelada ng bigas mula sa Vietnam sa ilalim ng government-to-government scheme dahil makatitipid ang pamahalaan ng  P8.5 milyon na maaring magamit para sa mga pangunahing pangangailangan ng bansa sa gitna nitong coronavirus pandemic.

Maalalang plano ng Pilipinas na bumili ng 300,000 tonelada ng bigas upang ireserba sakaling magkaroon ng shortage ang bansa sa bigas.  Ayaw na nating maulit pa ang ating sinapit noong 2018 na naitala ang pinakamataas na pag-angat ng presyo ng mga bilihin  sa bansa matapos ang 6.7 porsiyentong inflation rate – na napigilan lamang nang maipasa ang Rice Tarrification Law. Mura ng nabibili ngayon ang bigas at mabilis na bumaba ang inflation noong June 2019.

Dahil nga rito sa desisiyon sa planong pagkansela sa pag-i-import ngayong taon, sinabi ni Secretary of Agriculute Willam Dar na mayroong P8.5 bilyon ang pamahalaan na pupuwedeng magamit para suportahan ang Rice Competitiveness Enhancement Funder (RCEF) na nasa ilalim ng Rice Tarrification Law. Kailangan daw kasi ng RCEF ng isang mechanization program upang matulungan ang mga magsasaka na makakuha ng produksyon at  makinarya at kagamitan sa pag-aani, itaguyod ang pag-unlad at paggamit ng mga sertipikadong uri ng binhi, pinalawak credit assistace, at pinahusay na extension services.

Subalit mayroon ngayong problema sa pagba-budget ng pamahalaan dahil nga rito sa nangyayaring coronavirus pandemic. Kulang na kulang ngayon ang badyet ng Pilipinas na naitala pa noong Mayo nang bumagsak ang tax revenues at  marami ring pinagkakagastusan ang gobyerno.

Isa na nga sa pinagkagastusan ng pamahalaan ay itong Bayanihan to Heal as One, kabilang na riyan ang pagbibigay ng ayuda sa higit 3 milyong manggagawa ng small enterprises na apektado ng quarantine measures ng gobyerno.

Bagsak na bagsak talaga ang pamahalaan dahil na rin maraming negosyo ang nagsara nitong mga nagdaang buwan.

Kaya mahirap matupad ang hiling ni Secretary Dar na magamit itong matitipid na P8.5 bilyon upang itulak ang rice farm modernization. Simple lang, dahil marami pang emergency expenses dahil nga rito sa salot na coronavirus pandemic na kailangan pondohan ng pamahalaan.

Ngunit hindi maaalis sa katotohanan na ang industriya ng bigas sa Pilipinas ay kailangan iangat sa mataas ng antas ng pagpapa-unlad dahil mahalaga ang papel nito sa ekonomiya ng bansa. Ano man ang mangyari sa bansa, simple lang ang nais mangyari ng mga Pinoy na magkaroon sila ng sapat na bigas at makakain.

Sa totoo lang,  mayaman naman tayo sa mga resources – gaya ng lupa, tubig, at iba pa na dinidevelop mismo ng ating mga scientist.

Lumalabas sa mga pag-aaral na ang pangunahing pangangailangan ng ating industrya ay palawakin ang mekanismo – mga traktor at mga nag-aani. Iyon ang dahilan kaya kailangan ng Rice Competitiveness at Enhancement Fund  ng 50 porsiyento ng inimungkahing P10-bilyon na taunang paglalaan para sa farm machinery at equipment. Habang ang natitirang 30 porsiyento ay para sa pag-papaunlad at pagpapalaganap ng palay, 10 percent para sa pagpapalawig ng credit assistance, at 10 percent sa extension services.

Kapag natapos na itong panggigipit ng coronavirus, sana sa loob ng isang  taon, ay ibuhos naman ang pondo para sa RCEF, lalo na sa mechanization program, upang maging sapat ang ang bigas at pagkain sa ating bansa.