January 26, 2025

PONDO PARA SA 2022 BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN ELECTION HAWAK PA NG COMELEC

BAGAMAN nabawasan,  nasa pangangalaga pa rin ng Commission on Elections ang pondo para sa 2022 Barangay at Sangguniang Kabataang Election o BSKE.

Ayon kay  Atty. Martin B. Niedo, Director IV ng Finance Services Department ng Comelec,  nabawasan lamang ng konti  ang pondo para sa  2022 BSKE na P8,441,280,000.

Mula sa nasabing halaga, nalaman  kay Atty Niedo na kumuha ng ₱225,360.00 ang Komisyon para sa Maintenance and Other Operating Expenses; at ₱500,000 para sa  National Conference-Workshop activity.

Mayroon aniyang tatlong bahagi ng paghahanda para sa BSKE ang Comelec, una ang Voter’s Registration na natapos noong July 23, 2022 maliban na lamang sa mga.lugar na naapektuhan ng lindol na pinalawig ang registration hanggang Agosto 15.

Pagsasagawa ng Natiional Conferences and workshop activities, pagbalangkas at promulgasyon ng Implementing Resolutions, na maaaring  i-re-issued/re-promulgated sa sandaling ipagpaliban BSKE; at pagbili ng mga ballot paper, official ballots, printing services, a5 iba pang election supplies

Tinitiyak ng Comeelc na lahat ng materyales na binili para sa BSKE ay hindi masasayang sakaling hindi matuloy ang naturang halalan sa Disyembre ngayong taon, dahil magagamit ang mga ito kung kelan itatakda ang panibagong eleksiyon katulad noong mga nakaraang postponement ng BSKE.