January 22, 2025

Pondo ng Akap, hindi ginamit sa isinulong na Charter Change

Mariing itinanggi ni ACT CIS partylist Congressman Erwin Tulfo ang mga  alegasyon hinggil sa paggamit  ng pondo ng kanyang proyektong AKAP sa pagsusulong ng Charter change.

Sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Tulfo na naisip niya ang programang ayuda para sa kapos ang kita program o AKAP noong pang nasa DSWD siya  at noon aniyang panahon  na yon ay wala pang usapin ng charter change o people’s initiative.

Sinabi rin ni Tulfo na nakausap na rin niya ang liderato ng Kamara hinggil sa naturang isyu at pinabulaanan na aniya ito sa kanya ng mga mambabatas.

Pinaliwanag ni Tulfo na layon ng programa na bigyan ng ayuda ang mga nasa working class dahil laging poorest of the poor lang ang natutulungan ng pamahalaan.

Umaasa si Tulfo na hindi magagamit sa pulitika ang ang Akap dahil maganda ang layunin nito para sa bayan. Una nang kumalat ang isyu na gagamitin lang ang pondo ng AKAP para pondohan naman ang charter change.