November 5, 2024

POLITICAL DYNASTY, DAPAT NA MAISAMA SA TALAKAYIN KUNG MAGKAKAROON NG MAAGANG DEBATE NG MGA PRESIDENTIABLES- CONG. ALAN CAYETANO

Naniniwala si dating House Speaker Allan Peter Cayetano na kailangang isama ang isyu ng political dynasty na dapat pagdebatehan ng mga kakandidatong sa pagka Pangulo.

Tugon ito ng dating house Speaker  sa mga panawagan ng mga nasa academic sector na dapat nang tuldukan ang political dynasty. 

Nauna nang inirekomenda ni Cayetano ang mas maagang debate ngayong Nobyembre upang higit na makilatis ng publiko ang mga kandidato. 

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Cayetano na bagamat nirerespeto niya ang ganitong panawagan, pero kung susuriin, mismong  mga academicians ang ayaw mabago ang  saligang batas.

Kung tututusin, uminit ang panawagan sa anti-dynasty  dahil sa mga anti-Marcos na politicians. Pero, noong panahon ng 1950s at 1960s ay hindi naman ito isyu dahil sa matitinong angkan na mahusay na naglingkod sa bansa.

Sa kasalukuyan,  may mga Cayetano na sa lungsod ng Taguig, sa Kamara at Senado.

Hindi  rin aniya dapat i-label na masama ang dynasty dahil  mayroon namang good political dynasty. 

Hindi rin naman aniya tiyak na masosolusyunan ang korapsyon  kung wala na ang dynasty dahil magkakaroon lang ito ng ibang porma o mukha sa politika.