May 19, 2024

ALICE DIXSON, PINLEYKS ANG KANYANG BABY GIRL, NETIZENS NATUWA

Nakyutan ang mga netizens sa post ni Alice Dixson ang kanyang baby girl sa social media. May naka-upload siya na pics sa kanyang Instagram stories. Kung saan, kasama niya si baby Aura. May twinning pa ito about sa halloween. Naka-custome ang mag-ina ng ‘The Incredibles’. Kaya naka-maskara sila.


Kaya, puzzled pa rin ang mga netizens kung ano ang buong aura ng mukha ng bata. Kasi, naka-mask ito. Sabi tuloy ng mga netizens, magaling magtago ng secrets si Alice.


Pero, nauunawaan natin kung bakit. Nais lang ng aktres na proteksyunan ang private life ng kanyang pamilya. Mas payapa nga naman ang life na pribado kaysa sa buhay sa showbiz.