Ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, nitong araw ng Martes ang disqualification sa ilang mga police applicants ng PNP na napatunayan na dinaya o pineke ang kanilang mga RT-PCR results na isinumite sa nagpapatuloy na recruitment sa Police Regional Office- Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR).
Batay sa ipinadalang report ay tatlo sa 66 na aplikante na ang hindi pinayagan dahil sa kanilang pagsisinungaling. Mahaharap din umano ang mga ito sa kasong kriminal. Samantalang siyam sa 66 na aplikante na ang nakapasa habang 54 na iba pa na galing lahat sa lugar ng Lanao del Sur, ang kasalukuyang iniimbestigahan.
Ayon kay PGen Eleazar, na kanilang natuklasan ang naturang anomalya matapos na magtungo at mag-imbestiga sa Police Regional Office of Bangsamoro Autonomus Region (PRO-BAR) ang grupo ni PCol. Nora Camarao ang namumuno sa PNP Recruitment and Selection Service Unit, para personal na tignan ang recruitment system sa kabila ng mga report noon na may nangyaring mga irregularities sa police recruitment sa lugar.
Sinabi pa ng PNP Chief na, “I have already issued an order to delist the names of all the applicants who deliberately submitted fake RT-PCR tests in PRO-BAR. This order extends to other PROs and PNP units to do the same. We will not give a second chance for this year’s recruitment to those who would dare bastardize our recruitment process.”
Dagdag pa nito na, “Kasi kung papayagan natin na palusutin ang mga ito, it will send a very wrong message na okay lang ang kanilang ginawa. For all we know, kapag nakapasok ang mga ito ay baka ito yung mga pulis na magtatanim lang nang ebidensya dahil ngayon pa nga lang may kalokohan ng ginawa.”
Ayon naman sa ilang mga aplikante na umamin na hindi umano sila sumailalim sa swab test subalit sila ay nagsumite parin ng mga pekeng dokumento.Inamin din umano ng mga ito na nagbayad sila ng P500.00. para sa fake RT-PCR result.
Samantala ang iba naman mga aplikanteng inutusan magpa-swab test ay hindi alam na ang kanilang mga ibinigay na resulta ay peke.
“Nagbigay na ako ng instruction na yung mga aplikante na sinadyang mag-submit ng pekeng RT-PCR result ay hindi lang i-disqualify kundi kasuhan na rin. Ito yung sinasabi natin na dapat salain maigi ang mga papasok sa PNP dahil kung ngayon pa lang na gumawa na sila ng kalokohan, sigurado na magiging sakit ng ulo ito sa PNP kapag naging pulis na ang mga ito,” ani Eleazar.
Inutusan na rin umano niya ang PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na magsagawa ng operasyon laban sa mga may pakana ng pagbebenta ng mga pekeng RT-PCR sa Bangsamoro Autonomous Region.
“Magsilbi sanang aral ito sa iba pang mga aplikante at sa mga susunod na mag-a-apply sa PNP na gawin ang tama at sumunod sa proseso. Through this QR Code System in our recruitment process, we will make sure that we will recruit only the best for the PNP,” pagtatapos na mensahe ni Eleazar. (KOI HIPOLITO)
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna