April 28, 2024

POKWANG NAGHAIN NG PETISYON PARA IPA-DEPORT ANG EX-PARTNER NA SI LEE O’ BRIAN

Nag-file ng petition for deportation sa Bureau of Immigration (BI) ang komedyanteng si Pokwang laban sa kanyang ex-lover na si Lee O’Brian, na ama ng kanyang anak.

Unang nag-post si Pokwang ng BI document nagpakita lamang ng itaas na bahagi ng dokumento na mula sa tanggapan ng BI Commissioner.

Walang naging paliwanag si Pokwang sa dokumento pero ang litrato ng dokumento ay nilagyan niya ng malaking “This is It!”

Sa caption, nakasaad naman na:

“para sa karapatan ko at ng anak ko, para sa mga kapwa ko babae at sa bayan ko.”

Kasabay nito, nag-tweet naman ni MJ Felipe kung saan ipinakita nito ang larawan ni Pokwang kasama ang abogado nito.

“TV Actress-host Pokwang or Marietta Subong, personally filed a petition for deportation against her ex-partner Lee O’Brian before the Bureau of Immigration office this morning. Also in the photo is her legal counsel Atty. Ralph Calinisan,” ayon sa tweet ni MJ.

Sey ng mga followers ni Pokwang:

“Saludo sayo mamang sa paninindigan at hindi pagsuko kahit andaming epal sa mundo! Haha! God bless you and your fam.”

“Exciting naman laman niya Mareng @itspokwang27. Para sa kapayapaan at kaligayahan ng pamilya mo💕 miss you Pokey.”

“Amen! prayers answered, and no one deserves anything else except you sa dinami dami mong pinagdaanan mamang…stay strong ang kapit lang palagi!”

Pero meron ding mahaderang komento na nagtanong: “Anong kinalaman ng bayan sa love life mo mamang.”