MAHIGIT sa 100 dayuhan ang nadakip ng Bureau of Immigration (BI) sa isang illegal na online gaming hub sa Cebu nitong kamakailan lang.
Napag-alaman mula kay BI Intelligence Division Chief Fortunato ‘Jun’ Manahan Jr., nagsagawa ng operasyon ang BI sa pakikipagtulungan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), National Bureau of Investigation (NBI), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa isang resort sa Brgy. Agus sa Lapu-Lapu City sa Cebu.
Kasama rin sa operasyon ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tumulong sa posibleng trafficking victims.
Ayon kay Manahan, nag-ugat ang ginawang pagsalakay mula sa isang mission order na inisyu ni BI Commissioner Norman Tansingco laban sa 13 illegal aliens na namonitor na overstaying at nagtatrabaho ng walang kaukulang permit sa nasabing lokasyon.
Sa naturang raid, tumambad sa kanila ang higit 100 dayuhan na napag-alaman na sangkot sa illegal online gaming operations na nasa loob ng resort.
“We will suggest to the authorities to file cases against resort owners to allow their properties to be used by illegal aliens in their covert operations. This will serve as a warning to those who might attempt to start illegal online gambling operations, which has already been banned by the President,” ani ng BI chief.
Paglilinaw ng ahensya, dadaan muna sa inquest proceedings ang mga foreign nationals bago tuluyang ideport sa pinagmulang bansa. Sasampahan din ng kaso ang may-ari ng resort dahil sa pagkakanlong ng mga illegal aliens sa naturang lugar.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI