
PATAY ang 51 katao kabilang ang ilang sundalo sa nangyaring missile attack ng Russia na tumama sa lungsod ng Poltava sa central Ukraine.
Natamaan dito ang military communications institute at kalapit na pagamutan kung saan kabilang sa nasawi ay mga sundalo at mahigit 200 naman ang sugatan.
Hindi nakapagtago pa ang mga tao sa lugar matapos ang pagtunog ng air raid alarm kaya sila nasawi.
Tiniyak naman ni President Volodymyr Zelensky na kaniyang pagbabayarin ang Russia sa ginawa niyang ito.
Muling nanawagan ito sa mga kaalyadong bansa na dagdagan ang mga air defenses para sa pagprotekta sa kanilang bansa.
More Stories
ACT Teachers sa DepEd: Bilisan ang hiring ng 16,000 bagong guro bago magbukas ang klase sa Hunyo 16
Cardinal Tagle itinalaga ni Pope Leo XIV bilang bagong Titular Bishop ng Albano sa Italya
Kung Tunay ang Paghilom, Ibalik si Duterte – Atty. Sap Panelo