November 3, 2024

POC president Bambol Tolentino, humihingi ng 510 milyong pisong dagdag pondo sa Kongreso para sa mga Pinoy athletes

Umapela si POC president Bambol Tolentino ng karagdagang pondo para sa training ng mga Pinoy athletes. Ang dagdag pondong hirit ay aabot sa P510 milyon.

Gagamitin ang nasabing pera upang igugol sa training at preparation ng mga atleta sa 2021 Tokyo Olympics.

Sa gayun ay makopo ang target na unang gold medal ng bansa sa torneo.

 “Tokyo could be that host city where the country could win not one, not two but probably more Olympic gold medals in 2021,” ani Tolentino.

Aniya, lubhang kailangan ng suporta ng mga atleta, lalo na sa pamahalaan. Dahil hangad niya na makamit at magkatotoo ang pagsungkit sa gold medal.

Kung hindi aniya tututukan at ibinigay lang ng sapat na tulong, hindi iigi ang performance ng mga atleta.

 “The PSC needs the full support of Congress—the House and Senate—because 2021 is the year when the Olympic gold medal beckons. I am confident that elusive gold medal will be achieved in Tokyo,” ani Tolentino.