Kumpiyansa ang Philippine Olympic Committee (POC) na may tsansa ang Pilipinas. Ito ay ang tsansang maging overall champion sa 32nd SEA Games sa Cambodia. Mangyayari lamang yan kung maagang paghahandaan ng team ang biennial meet.
Gustong basagin ng POC ang tradisyon sa nagdaang three stagings nito. Na kung saan, ang host country ang kumakamig ng overall champion. Kagaya ng Malaysia noong 2017, Pilipinas (2019) at Vietnam (2022).
Noong una o sa dalawang nagdaan nito, Thailand ang nagwagi ng overall titles. Ito ay noong 2013 ( Myanmar ) at 2017 ( Singapore) SEA Games.
“It’s anybody’s ballgame,”ani POC president Abraham “Bambol’’ Tolentino sa PSA forum.
“That’s with due respect to Cambodia, of course,” aniya.
Ang Phnom Pehn stage ng SEA Games ay idaraos sa May 5-16 next year. Mahalaga aniya na maghanda para sa long training period. Sa gayun ay maisakatuparan ang maging number 1 kahit hindi sa balwarte gawin ang palaro.
“Since the SEA Games in Vietnam is still fresh in our minds, we can review all our shortcomings during the competitions and improve on them going to Cambodia,’’ ani Tolentino.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!