November 2, 2024

POC, MASAYA SA PAGKAKAAYOS NG PATAFA AT NI OBIENA

Tinupad ng POC Executive Board ang sinserong layunin sa sports upang magkaayos ang dalawang panig. Para sa ikagaganda ng lahat, dapat na magkaisa ang Pambansang Palakasan. Alisin ang politika at bangayan.


Katunayan, inalis na nito ang resolution na nagdedeklarang persona non grata si Philip Ella Juico. Gayundin ang pagsususpendi sa PATAFA.


The Executive Board fulfilled its gentlemanly pronouncement and has lifted the two resolutions rendered by the agency on the PATAFA,” ani POC President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.


Kaugnay nito, ang pagbaklas sa resolution ay nagpatibay sa successful mediation. Na ito ay sa pagitan ng PATAFA at ni pole vaulter EJ Obiena. Namagitan ang POC para magkaayos na ang dalawang panig.
Bilang patunay na wala nang masamang tinapay, in-endorso ng PATAFA si Obiena na sumalang sa 31st SEA Games.

As I have maintained even before, there are no losers but only winners,” ani Tolentino.

The main winner being the Filipino athlete,” dagdag pa ng Philippine Olympic Committee president.

.