HANDA na ang bansa sa pagpapadala ng pambatong 20-athletes team natin sa ninth edition ng Winter Games na ihu-host ng China sa ikatlong pagkakataon mula Pebrero 7 hanggang 14 sa winter resort ng siyudad ņg Harbin. .
“We’ve already accomplished the dream in the Summer Olympics—three gold medals in consecutive games,” wika ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino kahapon.
“And that dream we want to also achieve in the Winter Olympics,” optimistiko si Tolentino na ang Team Philippines na sasabak sa Harbin ang makasasagot dito.
“And our athletes are competing in six of the 11 sports on the Harbin program,” ani pa Tolentino.
Nasa sampung piling-pli na atleta ang isasabak POC sa Harbin na knabibilangan nina — Marc Angelo Pfister, Enrico Gabriel Pfister, Christian Patrick Haller, Alan Beat Frei, Jessica Pfister, Benjo Delarmente, Kathleen Dubberstein, Leilani Dubberstein, Sheila Mariano at Anne Marie Bonache.
Ang iba pang miyembro ng Team Philippines sa timon ni Chef de mission Richard Lim ay sina Paolo Borromeo, Aleksandr Korovin, Cathryn Limketkai, Isabella Marie Gamez and Sofia Lexi Jacqueline Frank in figure skating; Francis Ceccarelli and Talullah Proulx in Alpine skiing; Laetaz Amihan Rabe in freestyle skiing; Peter Joseph Groseclose in short track speed skating and Adrian Tongco in snowboarding
“The Winter Olympics are as extremely tough as the Summer Olympics, but we have proven that it could be done,” diin ni Tolentino. (DANNY SIMON)
More Stories
DSWD SASALAIN MABUTI ANG MGA BENEPISYARYO NG AKAP PARA HINDI MAPOLITIKA
CONTRIBUTION HIKE NG SSS, SIMULA NA NGAYONG 2025
TAAS-ALLOWANCE SA MGA ATLETA IHIHIRIT NG PSC