Upang matiyak na makasasalang siya sa Tokyo Olympics sa susunod na taon, kinakailangan ni Pinay weighlifter at Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz na makabuhat sa isang torneo.
Bukod sa kanya, may ilan pang atletang Pinoy ang kinakailangang sumalang sa qualifying tournament— na magiigng daan upang maparami ang kakatawan sa bansa sa prestihiyosong torneo na idinadaos kada apat na taon.
Kaugnay dito, optimistiko si Philippine Olympic Committee President Bambol Tolentino na marami pang atleta ang madadagdag sa delegasyon ng bansa sa quadrennial meet.
“We still have a lot of hopefuls who will be competing the Olympic qualifiers in their respective sports,” pahayag ni POC Pres. Tolentino.
Kaugnay sa olimpiyada, ilan sa mga atletang Pinoy ang nagkaroon na ng tiket sa Olympics; na kinabibilangan nina world champion gymnast Carlos Edriel Yulo, three-time SEA Games champion Eumir Felix, AIBA World Championships silver medalists Irish Magno ( boxing) at SEA Games pole vault record holder Ernest John Obiena.
Tiwala rin ang POC at PSC na papalarin ding magkaroon ng pasaporte sa Olympics sina 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal ng skateboarding at 2019 AIBA World Championship gold medalist Nesthy Petecio.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2