Labing-anim na senior high schools at club teams ang kumumpirma na ng partisipasyon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championships for Boys and Girls na hahataw sa Pebrero 17 sa Rizal Memorial Coliseum.
Sinabi ni PNVF President Ramon “Tats” Suzara na inaasahan pa ng federation na madagdagan pa ang bilang ng partisipasyon sa linggong ito matapos na magpadala ng letters of intent ang iba pang paaralan para lumahok sa torneo.
“This Under-18 Championships aims to keep the pool of young players active,” wika ni Suzara “This tournament serves as a feeder for future national teams.”
Limang koponan—California Precision Sports-Antipolo City, Paranaque Thunderbolts Volleyball Club, Santa Rosa City, Angeles City and Sto. Nino de Praga Academy (Trece Martires, Cavite)—ang kumpirmadong kalahok sa boys at girls divisions.
Ang iba pang sumali sa PNVF’s season-opening national tournament ay ang Philippine Christian University (Manila), Queen Ann School (Santa Rosa), Justice CM Palma High School (Quezon City), Hermosa Volleyball Club (Bataan), Municipality of Nagcarlan (Laguna) and Mayamot National High School (Antipolo City) sa boys division.
Hahataw nsman sa girls’ side ang Ateneo de Manila University, Grace Christian College Foundation (Taguig City), New Gen-Municipality of Sta. Cruz (Laguna), Mayamot National High School (Antipolo City), UVL-Science City of Munoz at Paranaque Berets.
Binigyang- diin ni Competition director Oliver Mora a ang mga laban ai ilalaro tuwing weekends kung saan ang finals ng parehong dibisyon ay itinakda sa Marso 12.Si Yul Benosa ang nakatokang event director.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI