NAGSUMITE si Philippine National Police (PNP) Chief Rodolfo Azurin Jr. ng kanyang courtesy resignation matapos ang panawagan ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr. na magsumite ang mga full-fledged colonel at generals ng courtesy resignation.
Matatandaang nitong Miyerkules, sinabi ng PNP na magco-comply ito sa apela ni Abalos na magsumite sila ng courtesy resignation.
“Kami po sa Pambansang Pulisya ay susunod at tatalima kung anuman po ang desisyon ng ating mga political leaders,” sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Redrico Maranan.
“Sapagkat alam po namin na lahat ng mga desisyon na ito ay para sa ikabubuti ng aming organisasyon at ng ating bansa,” dagdag pa niya.
Sa isang press briefing, sinabi ni Abalos na magsumite sila ng courtesy resignation bilang parte ng layunin ng gobyerno na alisin ang mga pulis na sangkot sa iligal na droga.
“Ako ay nananawagan sa lahat ng full colonel hanggang sa general, ako ay umaapela na mag-submit ng courtesy resignation. Alam kong mabibigla kayo pero this is the only way to make a fresh start,” aniya.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI