January 19, 2025

PNP ALERTO PARA SA IKA-2 SONA NI PBBM

TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr., na ipatutupad ng pulisya ang maximum tolerance sa mga demonstrador sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 24.

“Yung ating mga kapulisan naman trained na sa mga operations na yan. We oftentimes hear the words maximum tolerance, observation of human rights,” ayon kay Acorda sa ginanap sa Quezon City ngayong araw,

Inihayag din nito na puspusan na ang paghahanda ng kapulisan sa naturang aktibidad.

Hindi rin papayagan ang mga protest rally malapit sa Batasan Complex habang naghahayag ng kanyang SONA ang Pangulong Marcos.

Gayunman, may mga designated freedom parks na maaaring pagsagawaan ng rally.

 “We have certain limitations on that (kung saan magsasagawa ng protesta),” ani Acorda.

Ayon naman kay PNP Human Rights Affairs Office director, Brig. Gen. Limuel Obon, hindi pagdadalahin ng baril ang mga police office n aide-deploy sa protest areas.

“With our experience doon sa SONA na nasa QC tayo . Now that I am also with human rights, we will ensure na balanced talaga diyan. Of course firearm, no-no talaga yan in big gatherings like that and our human rights personnel will be there to remind and monitoryung mga kaganapan para walang malabag na karapatan natin mga kapulisan ganun din yung paglabag ng mga nag-express din ng kanilang rights,” paliwanag ni Obon.

Dagdag pa niya na patuloy ang komunikasyon at koordinasyon ng PNP sa Commission on Human Rights.