
Pumisig ang PLDT Home Fibr High Speed Hitters sa Army Black Mamba sa PVL Invitational Conference. Dinispatsa nito ang Army sa loob ng 4 sets, 17-25, 25-11, 25-20, 25-18. Kaya naman, nakalapit ang team sa semifinal berth.
Bumira sa High Speed Hitters si Dell Palomata na pumalo ng 12 hits sa quick attacks. Napanatili naman nina Jules Samonte, Fiola Ceballos at Chin Chin Basas ang kanilang laro. Na kanilang ipinalamas sa 5-set escape sa Petro Gazz Angels noong last Tuesday.
May hawak na 3-1 slate, tumuntong ang PLDT sa solo second. Nakabuntot sila sa first semifinalist na Cignal HD (4-0). Ang pagkatalo ay nagbigay sa Army ng 2-2 record. Malaking kawalan ang pagkawala ng 2 starters nila. Ito ay sina Honey Royse Tubino at Michelle Morente.
More Stories
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.
Mandaluyong Invitational tourney… ‘MIGHTY 9’ NG GSF RAVEN TANAY SIKARAN