
Sasabak ang Platinum Karaoke sa inaugural PBA 3X3 tournament. Ito ang kinumpirma ni team manager Gerber Manahan.
“For us, participating in the tournament is a huge honor for us,” aniya.
“Our owners are huge sports fans and this is our way to give back to Philippine sports and our athletes.”
Kaugnay dito, ibabandera ng Platinum ang pambato sa lanilang line-up. Kabilang na rito si Dylan Ababou.

Si Ababou ay 6-foot-3 na 10th overall pick sa PBA Rookie Draft. Kamakailan, naglaro si Ababou sa Big Boss Cement-Porac sa Chooks-to-Go Pilipinas 3X3.
Magiging kakampi niya si Cris De Chavez (6’3 shooter) at Karl Dehesa (6’2 two-way guard) at JR Alabanza.Ang naunang talo ay may eksperyens din sa FIBA 3X3 pro circuit.

More Stories
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup
TNT vs Rain or Shine, Ginebra vs San Miguel muling magsasagupa
RR Pogoy, susi sa panalo ng TNT