Naniniwala si Mayor Vico Sotto na hindi kailangan ng plastic barriers para sa dry run ng face-to-face classes sa Pasig City.
Mas naniniwala kasi ang alkalde sa science ng physical distancing at proper ventilation.
Makikita sa ibinahaging larawan na ipinoste ni Sotto sa Facebook ang mga estudyante na nakasuot ng face masks habang magkakalayo ang mga upuan sa ginanap na simulation sa Pasig Elementary School. Hindi tulad sa ibang eskwelahan, wala silang ginamit na plastic barriers.
“Gaya ng sabi ng maraming eksperto — the key is good ventilation and air flow!” saad niya.
Aniya, na sa kasalukuyan ay sumasailalim sa validation ang apat na paaralan para sa face-to-face classes kabilang ang Pasig Elementary School, Nagpayong Elementary School, F. Legaspi Memorial School, at Pasig Ugong National High School.
Plano ng DepEd Pasig na simulan ang face-to-face classes sa Disyembre 6.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY