IKINAGAGALAK na inanunsiyo ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang paglulunsad ng ikalawang taon ng “Who Will Be the Fried of PITX?” Chicken Fest Sticker Redemption 2024, na gaganapin mula Agosto 1 hanggang Setyembre 30, 2024.
“This exciting event invites customers to indulge in their favorite chicken meals while earning stamps for exclusive PITX merchandise,” ayon sa PITX.
“Join us on August 15 for the grand launch featuring Love Radio Hosts and popular fast-food merchants,” dagdag pa nito.
Asahan din ng mga pasahero na magkakaroon ng mga exciting games tulad ng “Guess the Fried Chicken” at chicken eating contest, promising fun at entertainment sa lahat ng dadalo.
Upang makasali, maaring mangolekta ng stamps ang mga customer sa pamamagitan ng pagbili ng chicken rice meal na may kasamang drink sa anumang participating restaurants, kabilang ang Jollibee, McDonald’s, KFC, Popeyes, Wendy’s, Chowking, Bonchon, Go Bento, at Lawson, na nasa loob ng PITX.
Bawat biniling meal sa isang single receipt ay may katumbas na isang stamp. Ipakita ang PITX Chicken fest card sa store kapag bumili upang matanggap ang kabuuang bilang ng stamps.
Kailangan makaipon ng mga customer ng hindi bababa sa anim na stamps upang maging kwalipikado para sa pagkuha ng isang Limited Edition PITX Chicken Festibal merchandise item.
“Up to two promo cards can be combined, provided both cards can total up to six stamps. Completed PITX Chicken Fest Card(s) can be redeemed for Limited Edition PITX Merchandise at the Customer Information Desk from August 1, 2024, until December 31, 2024,” paliwanag ng PITX.
“ Please note that tampering with or transferring stamps will render all promo cards void. Exclusions apply for Senior Citizen and Handicapped discounts, Full terms and conditions are available at https://www.pitx.ph/latest-updates/” dagdag pa nito.
“Join us in this delicious celebration and discover who will be the ultimate “Fried of PITX”!”
Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang kanilang website o kontakin ang kanilang Customer Information Desk sa (http://www.pitx.ph).
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA