KATUWANG ang local government unit sa ilalim ng Office of Senior Citizens and Persons with Disabilities, gayundin ang General Services Office, nag-donate ang Pitmaster Foundation ng 65 wheelchair at 10,000 foodpacks sa mga mamamayan ng Occidental Mindoro noong Marso 31, 2022.
Ito’y bahagi ng patuloy na wheelchair assistance program ng foundation, kung saan ang pangunahin layunin nila ay tulungan ang maraming PWD sa bansa.
“By providing wheelchairs, we are not only providing mobility and accessibility for a person to work and to become productive members of society, but wheelchair provision also improves one’s overall well-being,” ayon sa Pitmaster.
Naging posible ang proyektong ito sa tulong ng LGU ng Occidental Mindoro, ng local volunteers ng Pitmaster at siyempre ang chairman nito na si Mr. Charlie “Atong” Ang.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?