PORMAL nang tinanggap ni Marinduque Gov. Presbi Velasco, Presidente ng League of Governors ang ambulansiya mula sa Pitmaster Foundation Inc. na magagamit ng Marinduque Provincial Hospital.
![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2021/04/image-1024x768.png)
Ayon kay Pitmaster Executive Director Atty. Caroline Cruz, marami pang ambulansiya ang ipamamahagi mula sa iba’t ibang lalawigan.
Ani Cruz, “gusto kasi ng aming Chairman na si Charlie “Atong” Ang na makatulong ang aming foundation sa immediate transfer and treatment ng mga tinamaan ng COVID sa mga lalawigan.” “Pinag-uusapan na rin ng aming board na tulungan ang national government na makabili ng karagdagang mga COVID-19 vaccine para sa mga mahihirap nating mga kababayan,” dagdag pa ni Cruz.
![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2021/04/174245972_10224094755331682_4712535422447327549_n-1024x768.jpg)
More Stories
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA
Kampanya ng mga kandidato magsisimula na
2 PINAY NAPIGILAN NG BI DAHIL SA PAGGAMIT NG PEKENG DOKUMENTO