Nag-ikot ngayong araw, April 19, 2022, si Senador Lito Lapid at si PINUNO Partylist first nominee Howard Guintu sa Ilocos Region. Nagpunta sina Lapid at Guintu sa La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte. Nagpapasalamat naman si Lapid dahil sa dumaraming suporta para sa PINUNO Partylist. Sinabi ni Lapid na kilala sa kanyang karakter na si PINUNO na magandang oportunidad ang kanilang pag-iikot sa iba’t ibang bayan sa Pilipinas dahil naipapahayag nila ang layunin at plataporma ng partylist. (Danny Ecito)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA