Ikinalungkot ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte ang poor performance ng Pilipinas base sa resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), kung saan nanawagan ito ng “collective effort” upang tugunan ang naturang problema.
Lumabas kasi sa 2022 results ng Programme for International Student Assessment (PISA) na ang mga Filipino edad 15 ay kulelat sa math, reading, at science kumpara sa ibang mag-aaral sa ibang bansa.
Ito ay sa kabila ng paghahanda ng Department of Education sa 2022 assessment kasunod ng hindi rin magandang resulta ng bansa sa naturang evaluation mula nang lumahok ito noong 2018.
“[T]his is a call to action, a call to our collective responsibility as a nation,” saad sa pahayag ni Duterte.
“We need every stakeholder to join us in this journey moving forward. We may approach the solution differently, but we all agree on the destination. Everyone’s efforts are counted and everyone is accountable for our children’s future.”
Ani Duterte, nagsimula na ang DepEd na magkaroon ng “significant strides forward” upang tugunan ang learning issues sa mga estudyanteng Pinoy.
Ibinida niya rin ang “Matatag Curriculum,” na nagbago sa K to 10 program upang tumutok sa literacy at math skills ng mga estudyante, maging ang mga reporma gaya ng Catch-up Fridays.
“I call on everyone to pull our efforts together for a more resilient MATATAG education system, an education system that aims to improve learning outcomes, prioritize student and teacher well-being, and promote accountability to close remaining disparities,” aniya.
Nauna nang sinabi ng education officials na ang pagrebisa sa basic education ng bansa ay long-term solution sa poor performance ng mga estudyante na pinalala pa ng pagsasara ng mga paaralan dahil sa pandemya.
“Our schools and communities can contribute to creating a safe, inclusive, supportive, and connected school climate. We must act to bring back our school-aged children and prevent long-term absenteeism, protecting them from exploitation due to their socioeconomic conditions,” ani Duterte.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON