Bagama’t dehado sa kalaban, ginulat ni Pinoy boxer Mike ‘ Magic’ Plania ang mundo pagkatapos na makapagtala ng majority decision victory kontra kay top bantamweight prospect Joshua Greer; sa laban na idinaos sa The Bubble sa MGM Grand Conference Center sa Las Vegas, Nevada.
Ipinamalas ni Plania ang kanyang lakas sa pagsuntok sa pakikipagsagupaan kay Greer sa kanilang 10-round bout na isinahimpapawid sa ESPN. Nakapagtala ang Pinoy pug ng dalawang knockouts sa no. 1 WBO contender. Ang panalo kay Greer ay itinuturing pinakamalaking panalo sa kanyang pro career.
Naitala ng tubong General Santos City, mula sa SanMan Promotion ang panalo, kung saan pumabor sa kanya ang mga hurado na sina Patricia Morse-Jarman (97-91) at Tim Cheatham (96-92), sa score cards. Subalit, tabla sila ni Greer sa iskor na 94-94 mula kay Dave Moretti.
Dahil sa panalo, napaganda ni Plania ang kanyang kartada na 24-1 record kasama ang 12 KO’s; samantalang napatid naman ang 19 sunod na panalo ni Greer na may record na 22-2-1, 12 KO’s. Huling natalo si Greer noong Disyembre 2015 via four-round majority decision kontra kay Stephen Fulton.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2