December 25, 2024

PINOY PUG MICHAEL DASMARIÑAS, DI UMUBRA KAY NAOYA INOUE SA LAS VEGAS

Dinispatsa ni Japanese boxer Naoya Inoue si Michael Dasmariñas sa kanilang unification bout sa Las Vegas. Kung kaya, napanatili nito ang hawak na WBA at IBF World Bantamweight Championship belts.

Napabagsak ni Inoue ang Pinoy sa 2nd round via left hook sa katawan.

Pinahirapan ni Inoue sa third round ang Pinoy pug. Pinuntirya nito ang bodega via liver shot. May 41 seconds na lang ang natitira.

Nagawang makabangon ni Dasmarinas sa 10-count nang pumalakda siya sa lona. Mula rito, pinatamaan uli siya ng body shot ni Inoue, may 20 seconds ang nalalabi sa 3rd round.

Napuruhan ang Pinoy kaya itinigil na ng referee ang laban. Dahil sa panalo, walang dungis ang record ni Inoue sa 21-0, 18KOs.

Ang 28-anyos na Japanese pug ay third pound-for-pound fighter in the world. Si Dasmariñas naman ay nalaglag sa 30-3-1 boxing record.

Susunod na mahaharap ni Inoue ang mananalo kina Donaire at Casimero sa bantamweight bout sa August 14.